David's Core

The place beyond death

Monday, November 21, 2005

Take me TAke me!!!

Ang aga ko gumising kahapon mga 7am.
Pero hindi agad ako tumayo kasi ang sarap ng panahon,
medyo malamig ung hangin tapos parang pati ung mga daliri ko sa paa giniginaw.
Tumunganga muna ako hanggang mga 9am.
Tapos tinext ko agad kung tuloy ba yung lakad namin,
hindi siya nagreply.nagmiscol ako hindi parin nagreply.
Kaya pala walang load.taeng binilog. tinext ko na lang mommy nya,
ayun! sa wakas nagreply.
May sakit pala kaya hindi bumabangon!..
naguulcer-ulceran!...wahahaha pauso!. tapos salisi pala kami ng text nagtetext ako sa kanya gamit ung globe ko na sim. un pala nagtetext siya sakin sa sun ko..DIGOY!.
Nagdota muna ako isang laro lang. Scourge pinili ko (akasha) 5on5. Lahat insane!..
Nahirapan ako nung early game. napatay nga ako mga 2 beses eh.
kasi ang bilis maglevel up ng kalaban, somehow nakabawi ako.
hanggang sa lategame naging beyond godlike na ako.BIGTHAYM!...
natapos akong magdota ng mga 12:30 na! ..sabi ko!
" shet late na ata ako sa usapan namin ni uchie".
kamukatmukat ko tulog pa si loka.Nagmadali akong magayos para makalayas na.
Dumating ako sa kanila ng mga 2pm na ata. oo tama 2pm na un!..
tapos kumain muna kami kasi gutom pareho. tapos pahinga onti kasi masakit pa daw tyan nya.
di pa nga kami sure kung tuloy kami eh.Mayamaya lang ok na siya pero gutom parin.
ako din,
Nagpunta kami sa glorietta sa tulong ni kuya zaldy. ang official family driver.
Pagdating ng mall pinrioritize na namin ang pagkain. Iniorder ko xa ng pagkain nya pero ako hindi ako kumain. Ineexpect ko kasi na makakauwi agad ako e,
para makadalo sa weekly kain sa ilog. Pero hindi pala.Pinanood ko lang xa kumain.
habang pinipilit nya akong umorder ng pagkain ko. Pero "hindi mo ako mapipilit" ang sabi ko. kasi iniipon ko na ung gutom ko para sa kainan.(na hindi pala matutuloy).
Naghanap na kami ng pc shop.nakakita kami ng Power supply.ng malaman naming mura,
Bili agad! para ok na!...tapos nagtungo agad kami sa gilmore.
Nag MRT kami na sobrang sikip eh, di agad kami nakasakay.
next train nakasakay na kami buti na lang di na kasing sikip ng nauna.
ok na! malapit na kami sa Cubao. Nagtour kami sa cubao patungong Lrt,
dun kami dumaan sa looban ng gateway..wowowee! whattatrip!(patungong Gilmore)...
Nakaabot kami sa train na papuntang gilmore. Kakaiba parin talaga ang LRT..maluwag at maaliwalas.Pagdating ng Gilmore naghanap kami agad ng Videocard na kailangan.
Pucha wala na silang ganung part. luma na daw kasi un. sabay naalala namin namaeron palang ganung part sa glorietta, Pakshet.sayang pamasahe.
Bueno bumalik kami dun at binili namin. Tapos nagring ung phone ko. 14 times na pala tumatawag mom nya. Grabe nakakatakot. mukhang masasabon kami. Pero sabi nya ok naman daw.
umuwi na kami courtesy of kuya zaldy. As usual asaran to the max kami pag may private time.Puro walang kamatayang asar, buti na lang walang pikon..Banat dito banat duon. At alam na Hindi xa nagpapatalo. The great Justifier.! truth lover daw? ows?!> maniwala.
Pagdating ng bahay eh. kabado kami kasi baka bulyawan kami. pero salamat sa dios ok naman! safe!.. chineck ko agad ung parts. ininstall ko ok na! tapos the moment of truth.
shet hindi gumana ung power supply! takte! taeng binilog! ang theory...sira nga ang mother board.
SHET !!
kumain muna kami ng super pusit na pinirito. at ano pa malamang nagkwkwentuhan nanaman kami ng walang kamatayang mga kalokohan sa buhay.tapos nag palm reading kami.
medyo tama na parang hindi ang cosmo palm.halos pareho kami ng mga kapalaran.
GAstos problema stress puyat!..
kahit ganoon pa man ang nangyare.tinawanan na lang namin,nagkulitan na lang kami para malibang at makalimutan un problema namin sa pc na un!.
hyper na hyper ako mangulit sa kanya nung gabing yun.
ayoko syang patulugin wahaha!.. ganun lang nangyari hanggang dapuan kami ng antok.
napagod din ako sa pangungulit at pangingiliti. nakatulog kami at ang lamig ng gabi!
wala pa akong kumot! nagising ako ng mga 7-8am yata?!. pero dahil sa tamad mode nga ako eh, hindi agad ako gumising.
Nagpabanjingbanjing muna ako. hanggang sa bigla na lang siyang pumasok! yehey!
makakalabas na ako ng kwarto!wuhoo
nakiligo ako ng hindi nagpapalit ng damit.what an experience pero ok lang.COWBOY naman eh. pinagusapan namin kung paano gagawin. at nag proceed sa plan a. (which is papalitan ang powersupply)..plan b! wag nang isipin.magastos!
Pagdating sa mall. pinatignan ko kung ok naman ang PS. ok naman daw. shet sabi ko sa sarili ko..sira nga ang MB. fuck paano un?!.. parang maluha luha kami at untionting nadedrain. Kumuha agad kami ng pricelist para macalculate ang gagastusin in the future. takte nakakahiya. pero wala talaga akong magagawa eh, malas ng pc nya ganun. ayun! abot langit ang gagastusin..7k - 8k ang price ng replacement.
takte ang mahal nun..tsaka san kami kukuha ng ganung halaga!?.. sabi ko nga sa kanya willing naman akong pautangin xa kasi kailangan naman talaga nya, tsaka na lang nya bayaran.
what are friends for? kaso mukhang kulang parin talaga kaya wala kamingmagagawa sa ngaun.nagikot na lang kami sa mall at nagpuntang perfect pitch.
tumingin ako ng guitara kaso wala ung gusto ko.(bc rich warlock)... sayang!
Pagkatapos sa perfect pitch nagtungo na kami sa mcdo outlet kasi dun naghihintay si super zaldy. nilibre nya ako ng mcflurry tapos naghiwalay na kami para magsiuwi sa kanya-kanyang bahay.
(lungkot na ako) **
sumakay ako ng mrt ng walang gana.parang ayoko pang umuwi.gusto ko pang magstay kaso may mga kailangan akong gampanan sa bahay namin. kailangan kong magaral para sa mondayclass.
anyways!
Those days are fun!.nakakamiss nga eh.hanggang ngaun parang may kulang sa paligid ko.
namimiss ko si Roselle.aww,,(-,-)...
Masyado yata akong nasiyahan.parang ayaw ko na dito sa bahay namin ah.parang gusto ko nangmagpaampon!.kung pwede lang! my god!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home