David's Core

The place beyond death

Thursday, November 10, 2005

walang pakialamanan

10 35 ng umaga ngaun..nasa school ako ..as usual hindi nanaman ako pumasok sa mga klase ko. baket..? eh first week palang eh. ano ako bale?... papasa naman ako kahit hindi ako mag aral. matalino yata talaga ako eh. eto ako kumakalang sa walang kamatayang free internet. pagka nga naman may salitang free kahit ano sumasarap. adik!..hehe

ayun.. maghihintay lang akong maubos ang oras ko dito... para makapaglunch na ako sa mayrics. tagal ko nang hindi nakapunta dun. last sem pa. eh second sem na. takte nakakamiss.. tapos pagkakain dun ewan ko na kung saan na ako mapapadpad. may plano akong tumambay sa earth mamaya..pero parang nakakatamad kasi maghihintay pa ako ng apat na oras..shet! tagal maubos nun!/.. ano gagawin ko dun? tutunganga,,? maghuhunting?..magdadadadial sa mga taong hindi naman ako pinapansen?.. bullshit!.. naaasar ako sa ngaun.. kasi wala lang.. hindi naman kita masisi kung ganyan ka eh. sarili ko na lang sisisihin ko... Mapang asar ka kasi eh!.. yan tuloy..

pero sana maging ok ang araw na to. kain na kain na ako ng breaded porkchop ni kuya roger!... tapos saksakan ng daming mayo! wuhoo!! mouth watering! iniisip ko palang ngaun eh parang nagsisimula na akong maglaway..tae!,.. gusto ko nang mag 12! para lunch na..eh ang kaso 1041 pa lang..walang gana!..

oo nga pala..hinihintay ko ngaun si alvin payat..bibili kami ng load sa may city hall..tapat ng mapua..kung saan nagaaral si bespren nya.. na kagalit na nya! (argh daw?)... tangina pancit canton lang pinag awayan...grabe!.. parang mga bakla.. hehe..ayun!..sana matapos na ang drama nila..

ano pa ba?..wala na akong maisip?..ayun! .. may pera na ako!kulang na lang oras..! wala pa akong oras kung kelan ko mapapagawa ung toppy mo!. malas ko kasi e.sakin pa nasira ung pesteng hard disk,, ngaun tuloy pressured nanaman.. nakakahiya na nga e..kasi nakakaabala na ako. ikaw kasi e! dapat sinabi mo agad sakin!.. hindi ko naman alam na ganun na condition nun!.. haha..pero di ko makuhang sumimangot. natatawa ako pagnakikita kita e. ikaw kasi.! kakaibang saya ka din eh! yung tipong ngiti mo palang sakin para bang ang dami mo nang nakwento?! parang ganun.. whatta smile..

namimiss ko na din ung pagpunta sa kanila..last last week pa ata un?.. nakakarelax kasi dun magpunta kahit malayo..unang una may kasama akong kabatak dun! nakikita kita tapos kwentuhan...luto luto..kain..papak.lamon. tapos tawanan... nakakaunwined..ayun..kahit paulit ulit lang ang nangyayari di nakakasawa.. ewan ko ba ... basta ang masasabe ko ok ka talga!.. kung pwede lang kita ibulsa o kaya ilagay sa aparador ko eh..para sa twing malungkot ako ilalabas lang kita ok na....

detour
pagnagpapatugtog ako ng sugar free ikaw naiisip ko. sinong ikaw? basta ikaw.
ewan ko ba..bighaning bighani ako sa mga liriks ng sugar free. sana ako na lang gumagawa nung mga kanta na un! tapos kakantahin ko sau.
parang laging sakto. kung ano ung mga nangyayari. kung paano nangyare.at kung ano ung sitwasyon! ganun!.. sakto talaga!...
idol ko talaga sugarfree! one of the faves!...astig

1049 na.. ang tagal! naiinip na ako. si payat kakaalis lang ng bahay. nasa trike pa lang daw.

wala lang talaga akong masabing matino.
MATINO ! ayan nasabi ko na! hahaha

seriously i miss you.
baket ganun biglang naiba? wahahaha.. ah bahala na si lord
kung ok sa kanya!? mas ok sakin! hehe..
sana pumayag

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home